Opens in a new tab
Skip to content
News

Double pay sa Eid’l Adha, paalala ng DOLE sa mga employer

May paalala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga kumpanya kaugnay ng tamang pasahod ngayong Miyerkules, May 27, kasabay ng paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon sa DOLE, dahil regular holiday ang Eid’l Adha, dapat makatanggap ng double pay o 200 percent ng daily wage ang mga empleyadong papasok sa trabaho sa loob ng walong oras.

Kapag naman lumampas sa walong oras ang trabaho, may dagdag na 30 percent sa kanilang hourly rate.

Mas mataas din ang bayad para sa mga empleyadong papasok kahit rest day nila ang holiday.

Samantala, sinabi rin ng DOLE na kahit hindi pumasok ang empleyado, maaari pa rin siyang makatanggap ng buong araw na sahod basta nakapasok o naka-paid leave siya bago ang holiday.

Idineklara ni Pres Ferdinand Marcos Jr. ang May 27 bilang regular holiday para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, isa sa pinakamahalagang okasyon sa Islam.

Ginugunita rito ang pananampalataya at pagsunod ni Abraham sa utos ng Diyos, at kasabay rin ito ng pagtatapos ng Hajj pilgrimage sa Mecca.