Mariing itinanggi ni Robin Padilla ang mga paratang na siya ay traydor, kasunod ng kanyang mga pahayag laban sa sinasabing foreign interference sa usaping pambansa. Giit niya, ang kanyang paninindigan ay para sa soberanya ng Pilipinas at karapatang pamahalaan ang sariling bansa.
Nilinaw din ng senador na hindi ito personal laban sa kahit sinong indibidwal, kundi para sa prinsipyo ng independence at batas ng bansa.
Tungkol naman sa usapin ng Senate leadership change, pinabulaanan ni Padilla ang alegasyong may kaugnayan ito sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa kanya, magpapatuloy pa rin ang impeachment process kapag umabot na ito sa Senado bilang impeachment court, alinsunod sa Konstitusyon.
Dagdag niya, ang pagbabago sa liderato ay para palakasin ang Blue Ribbon Committee para sa mas malalim na imbestigasyon at pagpapanagot sa mga isyu ng gobyerno.
Giit pa ni Padilla, ang pagtatanggol sa soberanya ay tungkulin ng bawat Pilipino, hindi pagtataksil.