Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Apat na katao, huli sa buy-bust operation sa Batangas City

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto matapos ang buy-bust operation sa Barangay 23, Batangas City noong June 1.

May be an image of studying, chess and text

Ayon sa PDEA CALABARZON at pulisya, nahuli ang mga suspek matapos magbenta ng iligal na droga sa poseur-buyer.

Narekober sa kanila ang humigit-kumulang limang gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000, kasama ang buy-bust money at drug paraphernalia.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina “Budo,” 49; “Karla,” 32; “Harold,” 43; and “Erwin,” 54, pawang mga residente sa Batangas City.

Nabuwag din sa operasyon ang isang drug den sa lugar. Nahaharap na sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang mga suspek habang nagpapatuloy ang anti-drug operations sa rehiyon. | BChannel News