Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Batangueño, umani ng papuri sa netizens matapos isauli ang wallet na kanyang napulot

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Umani ng papuri mula sa netizens at kapwa Batangueño ang isang lalaki matapos nitong isauli ang napulot na wallet na may lamang pera.

Ayon sa post ng Barangay Puting Bato WEST, bandang 6:30 ng umaga ngayong Hunyo 4, 2026, sa Puting Bato Elementary School sa Calaca City, Batangas, nakapulot si Jaypee Pamintuan ng wallet na naglalaman ng P7,800.

Sa halip na kunin ang laman nito, agad niya itong dinala sa kinauukulang tanggapan ng barangay hall upang maibalik sa tunay na may-ari na kinilalang si G. Justino Villanueva.

Pinuri ng pamunuan ng barangay ang ipinakitang katapatan ni Jaypee, at sinabing ito ay malinaw na halimbawa ng integridad at malasakit sa kapwa, lalo na sa panahon na may pagkakataong mapakinabangan ang pera.

Marami namang netizens ang nagpahayag ng suporta at paghanga, kung saan may nagsabing sana ay pagpalain pa siya, habang ang iba ay nagsabing magandang halimbawa siya ng tapat na pagkatao at malasakit sa kapwa.

May ilan ding nagsabi na kung mas marami pa ang katulad niya, mas magiging maayos ang lipunan.

“May puso at malasakit sa kapwa, TAMA ANG GAWA” saad sa comment section.

“Sana pagpalain ka ni Lord at sana dumami pa katulad mo,” dagdag pa sa comment. | BChannel News