Patay ang isang 52-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa National Highway sa Barangay Putingkahoy, Rosario, Batangas bandang 10:50 AM nitong Biyernes, June 5.
Ayon sa Police Regional Office calbarzon, natagpuan ang biktima na walang malay matapos umalingawngaw ang dalawang putok sa lugar. Kinilala ito bilang si “Paulino,” residente ng naturang barangay.
Sa isinagawang CCTV backtracking, nakita ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng pulang motorsiklo na tumakas patungong Rosario Poblacion matapos ang insidente.
Sinasabing ang driver ay naka-itim na jacket at shorts, habang ang angkas ay naka-light blue na damit at may suot na cap.
Rumesponde ang mga awtoridad matapos makatanggap ng report bandang alas-11:10 ng umaga, ngunit hindi na naisalba ang biktima.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon at manhunt operation para sa mga suspek at sa posibleng motibo ng krimen. | BChannel News