Opens in a new tab
Skip to content
News

Singil sa kuryente ng Meralco tataas sa June dahil sa power supply issues sa Luzon

power lines under blue sky

Asahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong June matapos mag-anunsyo ang Meralco ng dagdag na ₱0.15 kada kilowatt-hour sa billing ng mga konsumer.

Ayon sa Department of Energy, dulot ito ng pagtaas ng generation charge na naapektuhan ng serye ng Yellow at Red Alert sa Luzon grid noong buwan ng Mayo.

Ipinaliwanag ni DOE Secretary Sharon Garin na napilitan ang mga power provider na gumamit ng mas mahal na fuel gaya ng diesel at liquefied natural gas o LNG matapos magkaroon ng aberya sa transmission lines ng NGCP.

Dahil dito, tumaas ang gastos sa pagpro-produce ng kuryente na ipapasa naman sa mga consumers.

Sa epekto nito, tinatayang aabot sa ₱30 ang dagdag sa bill ng mga gumagamit ng 200 kWh, habang nasa ₱45 para sa 300 kWh, ₱60 sa 400 kWh, at hanggang ₱74 para sa 500 kWh na konsumo.

Paalala ng mga awtoridad, patuloy na naaapektuhan ang presyo ng kuryente ng supply issues at kondisyon ng power grid, kaya posible pa itong magbago depende sa sitwasyon sa mga susunod na buwan.