Umani ng atensyon ang viral video na nagpapakita ng umano’y tree cutting at earthballing activity sa kahabaan ng Roxas Boulevard gabi ng June 11, kaugnay ng Salex project.
Makikita sa video ang isang punong nakabagsak habang kinukwestyon ng concerned citizen na si Tay Mesario ang mga tauhan mula sa San Miguel Corporation at Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Mesario, nais nilang matiyak na nasusunod ang tamang proseso, lalo na’t may naunang pahayag na naka-voluntary stop ang operasyon.
Bagama’t sinabing itinigil muna ang aktibidad, may ulat na nagpapatuloy pa rin ito sa gabi, na lalong nagdulot ng tanong sa publiko.
Sa kanyang pahayag, kinuwestyon din ni Mesario kung tama ba ang paraan ng paglilipat ng mga puno at kung mabubuhay pa ang mga ito, kasabay ng panawagan para sa malinaw na paliwanag at pagsunod sa environmental standards.
Sa ngayon, wala pang detalyadong pahayag ang DENR at SMC hinggil sa isyu. | BChannel News