Opens in a new tab
Skip to content
Health

Filipina conjoined twins matagumpay na na-separate sa Saudi Arabia

Matagumpay na na-separate ang Filipina conjoined twins na sina Olivia at Gianna Manuel matapos ang isang anim na oras na operasyon sa Riyadh, Saudi Arabia.

Isinagawa ang surgery sa King Abdullah Specialist Children’s Hospital sa tulong ng 22 medical experts sa ilalim ng Saudi Conjoined Twins Programme.

Ayon sa ulat, maayos na ang kondisyon ng magkambal at kasalukuyang inoobserbahan sa intensive care unit.

Ang kambal ay ipinanganak sa Nueva Ecija at konektado mula dibdib hanggang tiyan, isang bihirang kondisyon.

Ibinahagi ng kanilang ina na matagal nilang hinintay ang araw na ito at umaasa silang magkakaroon na ng normal na buhay ang kanyang mga anak.

Sinagot naman ng gobyerno ng Saudi Arabia ang lahat ng gastusin sa operasyon at gamutan ng kambal.