Opens in a new tab
Skip to content
News

Viral video ng isang pulis umani ng batikos sa netizens sa umano’y “special treatment”

Umani ng batikos online ang viral video na nagpapakita umano ng isang pulis sa Sampaloc, Maynila na hindi agad nahuli sa traffic violation, na umani ng tanong mula sa publiko kung may “special treatment” ba sa mga awtoridad.

Sa naturang video, makikita na sinita ni PSSG Ariane Felix Menpin ng Manila Police District ang isang motorista dahil walang helmet, pero nang ipakita ang apelyido na MENPIN at logo ng isang lalaki sa suot nitong jersey, tila nagbago ang sitwasyon. Makikita na nagtawanan lang at nagkwentuhan tsaka kinamayan pa.

Dahil dito, umani ng batikos mula sa netizens ang insidente tungkol sa umano’y “special treatment” sa ilang motorista.

“Kapag Pulis bawal tikitan? Kwentuhan at tawanan lang? Untouchable pero pag kaming mga ordinaryong motorista ticket agad minsan makokotongan pa!'” saad ng uploader na si Hard Losers.

Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan, na-relieve na sa puwesto ang pulis at isinasailalim na sa imbestigasyon habang inihahanda rin ang posibleng kaso laban sa kanya.