Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Lalaki, sugatan matapos barilin sa San Juan, Batangas; suspek, tinutugis

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Isang lalaki ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Palahanan 2.0 sa San Juan, Batangas, gabi ng June 24.

Ayon sa imbestigasyon ng San Juan Municipal Police Station, bandang 10:50 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente. Agad namang rumesponde ang grupo ni PLTCOL CRISPIN K. BANES kasama ang mga imbestigador at patrol personnel.

Base sa paunang imbestigasyon, nasa terrace ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at bigla na lang umano itong pinagbabaril nang ilang beses. Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago tumakas ang suspek sakay ng pulang back-to-back tricycle patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.

Dinala ang biktima sa Hospital at kasalukuyang nagpapagaling sa tinamong sugat.

Patuloy naman ang follow-up investigation ng pulisya. Nagsagawa rin ng dragnet operation para matunton at maaresto ang suspek, habang ipinatawag ang Batangas Provincial Forensic Unit para iproseso ang crime scene.

Sa ngayon, itinuturing na at large pa rin ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng frustrated murder at kung may kasabwat ang naturang suspek. | BChannel News