Opens in a new tab
Skip to content
Politics

ES Recto: pag-angat ng Pilipinas sa upper middle-income status hindi pa finish line

Binigyang-diin ni Executive Secretary Ralph Recto na bagama’t umangat na ang Pilipinas sa upper middle-income status ng World Bank, hindi pa ito ang huling sukatan ng tagumpay ng bansa.

Ayon kay Recto, mas mahalaga pa rin kung nararamdaman ng bawat pamilyang Pilipino ang pag-unlad sa pamamagitan ng mas maraming trabaho, mas mataas na kita, at mas maginhawang buhay.

Batay sa datos, umabot sa USD 4,850 ang GNI per capita ng bansa noong 2025, mas mataas sa USD 4,636 na itinakdang threshold para sa upper middle-income economies.

Matapos manatiling lower middle-income country mula pa noong 1987, kasama na ngayon ng Pilipinas ang mga bansang tulad ng China, Malaysia, Thailand, Indonesia, at Vietnam sa naturang kategorya.

Dagdag pa ng opisyal, nakatuon ang pamahalaan sa pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, paglikha ng mas maraming trabaho, pag-akit ng karagdagang investments, pagpapabilis ng mga proyektong pang-imprastraktura, pagpapabuti ng edukasyon at kasanayan ng mga manggagawa, at pagpapalakas ng ekonomiya laban sa mga krisis at sakuna.

Giit ni Recto, “Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay kung nararamdaman ba ito ng bawat pamilyang Pilipino.”