Opens in a new tab
Skip to content
News

7 arestado sa Rizal Buy-Bust; shabu at smuggled cigarettes nasabat

Pitong katao, kabilang ang tatlong high-value drug personalities at apat na hinihinalang sangkot sa bentahan ng smuggled cigarettes, ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Silangan, San Mateo, Rizal nitong July 4.

Ayon sa PDEA Rizal Provincial Office at PNP Regional Intelligence Unit 4A, nasamsam sa operasyon ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱340,000, gayundin ang mga hinihinalang smuggled cigarettes, buy-bust money, mga cellphone, at iba pang ebidensya.

Kabilang sa mga naaresto ang isang TNVS driver, online seller, construction workers, isang electrician, at mga walang trabaho.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act. | BChannel news