Opens in a new tab
Skip to content
News

Bakery sa Padre Garcia, pansamantalang ipinasara matapos mag-viral ang video ng mga daga

Isang viral video na kuha ng concerned citizen ang nagbunsod sa pagsasara ng isang bakery sa Padre Garcia, Batangas matapos makitang gumagala ang dalawang malalaking daga sa display area ng mga tinapay.

Matapos kumalat ang video noong Lunes, nagsagawa ng inspeksyon ang Task Force Kaayusan at nakumpirmang nakapasok ang mga daga sa display case na naiwan umanong bukas.

May be an image of text that says 'nAc B 반대 GPS Map Camera Padre treGarcia,Calabarzon,Pilipines Garcia, Calabarzon, Philippines Rosario Bypass Road, Poblacion, Padre Garcia, Calabarzon 4224, Philippines 13.876191 Long t13.876191,Long121.213805 121 213805 Monday, 06/07/2026 12:13F GMT GMT+08:0 08: 00 Note Captured by GPS ap Camera'

Dahil dito, agad na kinumpiska ang mga produktong naka-display at itinapon sa Resource Recovery Facility sa Brgy. Payapa.

May be an image of grass and text that says '्वादव Google Geo-Tagging Geo-TaggingCamera Camera 2026/07/06 06 15:04 Padre Garcia Garcia/Calabarzon zon, Philippines nes Unnamed Road Padre Garcia, Batangas, Philip Philippines oines _at13.859314 at Long 121,230948 121'

Pansamantala ring ipinatigil ang operasyon ng establisimyento at kalaunan ay nilagyan ng Temporary Closure Notice dahil sa mga natukoy na paglabag sa Presidential Decree No. 856 o Code of Sanitation of the Philippines at sa Market Code of Padre Garcia.

May be an image of one or more people and text that says 'RRA বপানর হाল ABATANGAS ORDER GRED TEMPORARYCLOS LOS THISESTABLISNMENTISHE THIS EMPOR P CLOSI EFFECTIVE THISE DAYO TU FOR STRICT FORSTRICTCOMPL COMPL ORDER ELOCALG GOVERNMENT UNIT IANO. labuting Tao,'

Kasunod ng insidente, muling ipinaalala ng mga awtoridad sa mga negosyante at market vendors ang kahalagahan ng tamang sanitasyon at pagkontrol sa mga peste upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko. | BChannel News | 📸 Municipality of Padre Garcia