Isang lalaki ang natagpuang patay sa kanyang bakuran sa Sitio Villa, Barangay Colongan, Rosario, Batangas matapos itong pagbabarilin na naganap nitong gabi ng Hulyo 8.
Ayon sa Rosario Municipal Police Station, natagpuan ng kapatid ng biktima ang walang buhay na katawan sa bakuran ng kanilang bahay bandang 7:00 ng umaga noong Hulyo 9. Nakatanggap naman ng ulat ang pulisya alas-8:30 ng umaga at agad na nagtungo sa lugar.
Sa paunang pagsusuri, nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Lumalabas din sa imbestigasyon na naganap ang insidente bandang 11:00 ng gabi noong Hulyo 8, matapos umano siyang makausap ng suspek na kinilalang si “Jef.”
Sa ngayon, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang suspek na nananatiling at large, habang patuloy na inaalam ang motibo sa krimen. | BChannel News