Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Mariel Padilla, binatikos sa pagsusuot ng doctoral regalia sa Rosario, Batangas

Umani ng debate ngayon sa social media ang tamang paggamit ng academic regalia matapos mabatikos si Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa pagsusuot ng umano’y doctoral regalia sa graduation ng Teodoro M. Luansing College of Rosario sa Batangas.

May be an image of text

Lumutang ang isyu matapos lumabas ang mga larawang ibinahagi ni Sen. Robin Padilla, na hindi nakadalo sa seremonya noong June 26, 2026 at si Mariel ang humalili para ihatid ang kanyang mensahe sa mga nagtapos na Criminology students.

Maraming netizen at ilang mula sa academe ang nagtanong kung bakit nakasuot si Mariel ng regalyang karaniwang iniuugnay sa may hawak na doctorate degree. Ayon sa kanila, may partikular na kahulugan at akademikong antas na kinakatawan ang ganitong kasuotan kaya hindi ito basta ceremonial attire lamang.

Kasunod nito, nagkaroon ng debate online tungkol sa wastong paggamit ng academic symbols sa mga graduation rites at kung sino ang may responsibilidad sa pagpapatupad ng protocol sa ganitong mga okasyon.

Sa academe, ang doctoral regalia ay hindi basta toga lang. Karaniwan itong isinusuot ng mga taong may doctoral degree gaya ng PhD, EdD, DBA, at iba pang doctorate-level degrees, o minsan ng mga university officials bilang bahagi ng kanilang opisyal na tungkulin sa akademya.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Mariel Rodriguez-Padilla na nagtapos ng undergraduate degree sa De La Salle University, Sen. Robin Padilla, o ang pamunuan ng Teodoro M. Luansing College of Rosario kaugnay sa mga naging katanungan at puna ng publiko. | BChannel News | 📸 Robin Padilla