Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay at duguan sa gilid ng kalsada sa Sitio Lamesa Bato, Barangay Sampiro, San Juan, Batangas nitong umaga, July 11.
Ayon sa San Juan Municipal Police Station, nadiskubre ang biktima bandang alas-6 ng umaga at agad na iniulat sa mga awtoridad makalipas ang isang oras.
Nang puntahan ng mga pulis ang lugar, natagpuan nila ang bangkay ng lalaki na nakasuot ng maroon na T-shirt at maong na short pants.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi sa likod ng kanyang pagkamatay. | BChannel News