Opens in a new tab
Skip to content
National

PBBM, isinusulong ang pag-update ng batas sa solid waste management

Nanawagan si President Ferdinand Marcos Jr. ng pag-modernize sa waste management policies ng bansa sa kanyang ikalimang State of the Nation Address o SONA ngayong July 27.

Ayon sa Pangulo, kailangan nang baguhin ang paraan ng pagtatapon at pagproseso ng basura dahil lumalaki na ang hamon sa waste management sa bansa. Isa sa mga plano ng pamahalaan ang pag-amyenda sa 25-year-old Ecological Solid Waste Management Act para makasabay ito sa mas modernong teknolohiya gaya ng waste-to-energy at mas maayos na waste treatment systems.

Binanggit din ni Marcos na maaaring maging gabay ang mga programa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA pagdating sa waste recovery, processing, at upcycling.

Isa rin sa kanyang itinampok ang dating Carmona Sanitary Landfill na ngayon ay MMDA Nature Park na. Aniya, bukod sa pagiging green space, nakatakda rin itong gamitin bilang lugar para sa high-level disaster preparedness training at simulation exercises.

Sa huli, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang pag-update ng mga polisiya at paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang waste management at makatulong sa pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan.