Opens in a new tab
Skip to content
National

System Loss Charge sa Electric Bill, Sinusuring Baguhin

Nilinaw ng Malacañang na ang panukalang alisin ang system loss charge sa electric bills ay naglalayong mabawasan ang dagdag-gastos ng mga consumer habang pinag-aaralan ang mga posibleng pagbabago sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais ng administrasyon na mabawasan ang mga singil na may kaugnayan sa mga pagkawala ng kuryente dahil sa technical losses, pilferage, at iba pang inefficiencies. Aniya, hindi layunin ng panukala na ilipat lamang ang pasanin mula sa consumers patungo sa mga utility company.

Sinabi rin ni Castro na pinag-aaralan pa ang panukala upang matiyak na hindi maaapektuhan ang operasyon ng mga distribution utility at electric cooperatives. Dagdag pa niya, mahalagang mapahusay ng mga kumpanya ng kuryente ang kanilang monitoring at iba pang hakbang upang mabawasan ang system losses.

Kasunod ito ng panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA na repasuhin ang kasalukuyang polisiya sa system loss charge at ang kaugnay nitong VAT. Samantala, patuloy pa ring pinag-aaralan ng gobyerno at ng iba pang sektor ng power industry ang posibleng epekto ng mga repormang isinusulong sa singil sa kuryente. | 📸 PNA