Isang 33-anyos na lalaki ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Villa Nieves Phase II, Barangay Aplaya, Bauan, Batangas nitong Hulyo 30.
Ayon sa PNP Batangas Police Provincial Office, nakumpiska mula sa suspek na si “Mata” ang humigit-kumulang 59 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P401,200.
Narekober din ang isang marked P1,000 bill na ginamit sa operasyon at isang cellphone na pinaniniwalaang ginamit sa transaksyon.
Isinagawa ang operasyon ng Municipal Drug Enforcement Team ng Bauan Municipal Police Station sa koordinasyon ng PDEA.
Matapos ang pag-aresto, isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Batangas