Opens in a new tab
Skip to content
National

Ombudsman Remulla, iimbestigahan sina Cong. Leviste at Sen. Legarda sa P10-B Solar Projects

ombudsman

Isasailalim sa preliminary investigation ang mga reklamong plunder at graft laban kina Senadora Loren Legarda at Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay ng umano’y kontrobersyal na P10-bilyong solar projects, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla, kabilang sa mga isyung sinusuri ang umano’y pagkabigo ng ilang proyekto na maihatid ang ipinangakong produksyon ng kuryente sa kabila ng mga benepisyong natanggap ng mga kumpanya. Kasama rin sa iniimbestigahan ang umano’y conflict of interest at paggamit ng impluwensya sa pagkuha ng mga prangkisa at proyekto.

Sinabi ng Ombudsman na sasailalim muna sa legal na proseso ang mga reklamo upang matukoy kung may sapat na batayan para sa pormal na pagsasampa ng kaso.

Sa ngayon, wala pang nilalabas na pahayag ang kampo ng mag-ina. | BChannel News