Muling naiuwi ng Pilipinas ang korona ng Miss Supranational matapos tanghaling Miss Supranational 2026 si Maria Katrina Llegado sa ginanap na coronation night sa Poland.
Si Llegado ang ikalawang Filipina na nagwagi sa prestihiyosong kompetisyon, makalipas ang 13 taon mula nang manalo si Mutya Johanna Datul noong 2013. Pinalitan niya bilang titleholder si Eduarda Braum ng Brazil.

Sa final question and answer round, ibinahagi ni Llegado ang kahalagahan ng pagtanggap sa sarili at pagiging pinakamahusay na bersyon ng isang tao. Sa Top 12 round naman, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtanggal ng mga limitasyon upang maabot ang tunay na tagumpay.

Emosyonal ding ibinahagi ni Llegado ang kanyang kasiyahan matapos ang tagumpay. Aniya, tila hindi pa rin siya makapaniwala na muli nang naibalik ng Pilipinas ang korona matapos ang mahigit isang dekada. Sinabi rin niyang inialay niya ang tagumpay sa mga Pilipinong sumuporta sa kanyang paglalakbay.
Hindi naging madali ang kanyang pageant journey. Bago ang kanyang international victory, sumali siya sa Miss World Philippines 2019, Miss Universe Philippines 2022, at Miss Universe Philippines 2025, kung saan nakuha niya ang titulong Miss Supranational Philippines.

Bukod sa kanyang panalo, kabilang sa Top 5 ng kompetisyon ang France bilang first runner-up, Brazil bilang second runner-up, Nigeria bilang third runner-up, at Czech Republic bilang fourth runner-up. | BChannel news