Opens in a new tab
Skip to content
Entertainment

Aiko Melendez at Onemig Bondoc, engaged matapos ang 29 taon

Engaged na ang actress at politician na si Aiko Melendez sa actor na si Onemig Bondoc, matapos ang isang surprise marriage proposal na ginawa ni Onemig sa puntod ng ama ni Aiko.

Sa vlog ni Onemig, makikita ang proposal matapos nilang bumisita sa puntod ng late actor na si Jimi Melendez, ama ni Aiko.

Ayon kay Onemig, bago niya ginawa ang proposal, nakausap na niya ang mga taong mahalaga kay Aiko, kabilang ang kaniyang mommy, kapatid, at dalawang anak. Ang huli raw niyang kinausap ay ang ama ni Aiko.

Sinabi rin ni Onemig kay Aiko na gusto niyang hingin ang blessing ng kaniyang daddy bago siya magtanong ng kasal.

Sa kaniyang post, sinabi naman ni Aiko na nagsimula ang kanilang love story 29 years ago, pero nagkaroon ng mahabang paghihiwalay dahil sa kani-kanilang buhay at mga pinagdaanan.

Ayon kay Aiko, muling nagtagpo ang kanilang mga landas nang pareho na silang nasa mas tahimik na bahagi ng kanilang buhay.

Dagdag niya, hindi sila nagbalikan dahil sa pressure o dahil kailangan nila ang isa’t isa, kundi dahil pareho nilang piniling magsama.

Sa huli, sinabi ni Aiko na matapos ang 29 years, sinabi na niya ang kaniyang “YES” kay Onemig at ngayon ay pipiliin nilang magkasama ang natitirang bahagi ng kanilang buhay.