Opens in a new tab
Skip to content
National

Escudero, Nais Iurong sa 2028 ang BSKE at Habaan ang Termino ng mga Opisyal

CHIZ ESCUDERO

Naghain si Senador Francis “Chiz” Escudero ng panukalang batas na naglalayong ilipat ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE mula 2026 patungong unang Lunes ng Nobyembre 2028.

Kasama rin sa panukala ang pagpapahaba ng termino ng mga barangay at SK officials mula sa kasalukuyang apat na taon tungo sa limang taon.

Ayon kay Escudero, makatutulong umano ito upang magkaroon ng mas mahabang panahon ang mga lokal na opisyal para maipatupad ang kanilang mga programa, mapanatili ang tuloy-tuloy na serbisyo sa komunidad, at mabawasan ang pagkaantala dulot ng madalas na eleksyon.

Kung magiging batas, mananatili sa puwesto ang mga kasalukuyang halal na opisyal hanggang sa susunod na BSKE sa Nobyembre 2028. Nakasaad din sa panukala na ang mga barangay officials na nakapagsilbi na ng tatlong sunod na termino sa parehong posisyon ay hindi na maaaring tumakbo muli sa kaparehong puwesto sa 2028 elections.

Sa ngayon, panukala pa lamang ang Senate Bill 2387 at kailangan pang dumaan sa proseso ng pagtalakay at pag-apruba sa Kongreso bago maging ganap na batas.