Magpapatupad ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa NCR at 17 probinsya bukas, Agosto 20, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat, ayon sa Malacanang.
Nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 131 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph G. Recto, kasunod ng rekomendasyon ng NDRRMC dahil sa banta ng localized flooding at panganib sa biyahe.
Kabilang sa sakop ang NCR, Abra, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Occidental Mindoro.
Hindi sakop ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster response at iba pang vital services.
Samantala, patuloy na babayaran ang COS at JO workers na ilalagay sa alternative work arrangements, alinsunod sa umiiral na rules.
Ang mga lugar na hindi kasama sa memorandum ay maaaring magpatupad ng suspensyon kung pagpapasyahan ito ng kanilang Local Chief Executive.
Para naman sa pribadong sektor, nakadepende sa management ang anumang pagbabago sa work arrangement. | BChannel News