Opens in a new tab
Skip to content
Local

Lalaki, natagpuang patay at nakabalot ng tela sa San Pedro, Laguna

crime scene do not cross signage

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa Zion Street, along Fr. Masi, Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna, nitong August 25, 2026.

Ayon sa Police Regional Office Calabarzon, bandang alas-6:10 ng umaga nang mapansin ng isang concerned citizen na may lalaking nakahandusay sa lugar habang siya ay nagjo-jogging. Nang lapitan at tingnan, nakita umanong nakabalot sa pulang tela ang lalaki at may tape sa ulo, kamay at paa.

Naka-black short pants at brown shirt ang biktima. May nakita rin umanong hinihinalang sugat at dugo sa sahig malapit sa katawan.

Agad namang isinumbong ang insidente sa San Pedro City Police Station ng isang BPAT member na si Larry.

Sinabi ng pulisya na agad nilang sinecure ang crime scene para maprotektahan ang mga posibleng ebidensya. Hiniling din ang crime scene processing ng Regional Forensic Unit 4A o RFU4A.

Naipasa na rin ang impormasyon sa Provincial Intelligence Unit at Provincial Investigation and Detection Management Unit para sa karagdagang imbestigasyon.

Patuloy ngayon ang follow-up investigation para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at malaman kung ano ang nangyari bago ito natagpuang patay. Inaalam na rin ng pulisya ang posibleng motibo o suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | BChannel news