Opens in a new tab
Skip to content
Local

Lalaki, patay sa pamamaril sa Dasmariñas City, Cavite

crime scene do not cross signage

Isang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng isang gunman sa Zamboanga Street, Cityhomes Subdivision, Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite, alas-9:47 ng umaga noong August 26, 2026.

Batay sa initial police report, nasa kanto ng Zamboanga Street ang biktimang kinilalang si James nang lapitan ng isang lalaki. Bigla umanong bumunot ng hindi pa matukoy na uri at caliber ng baril ang suspek at ilang beses siyang pinaputukan, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa imbestigasyon, may isa pang lalaki na naghihintay malapit sa lugar at sinasabing nagsilbing lookout.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng tricycle palabas ng subdivision, dala ang ginamit na baril.

Ang sinasabing gunman ay isang lalaking nakasuot ng black T-shirt, maong shorts, white cap at may sling bag. Ang lookout naman ay nakasuot ng white T-shirt.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga suspek at ang motibo sa pamamaril. | BChannel news