Dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batangas Egg Producers Cooperative o BEPCO sa Barangay Don Luis, San Jose, Batangas, ngayong Huwebes, Agosto 27.
Tiningnan ng Pangulo ang pasilidad na nagpa-pasteurize at gumagawa ng powdered eggs mula sa fresh eggs.
Ayon kay Exec. Sec. Ralph Recto, layunin ng teknolohiyang ito na mapahaba ang shelf life ng itlog at makatulong sa producers kapag may oversupply o bagsak ang demand.
Ayon sa ulat, maaari ring gamitin ang processed eggs bilang supply para sa mga sundalo at bilang food stock kapag may kalamidad.
Naitayo ang processing plant sa tulong ng Department of Agriculture o DA at Department of Science and Technology o DOST, kasama ang training at teknikal na suporta.
Kasama ni Marcos sa pagbisita sina Executive Secretary Ralph Recto, BEPCO Chairperson Victorino Michael Lescano, DOST Secretary Renato Solidum, at DA Secretary Francisco Tiu Laurel. | BChannel news | 📸