Umabot na sa 33 ang nasawi, 19 ang nasugatan at tatlo ang nawawala dahil sa epekto ng Tropical Cyclones Luis, Maymay at Neneng, kasama ang Habagat.
Ayon sa Office of Civil Defense, ito ang latest figures as of noon, August 31.
Aabot naman sa 2.5 million families o 8.8 million individuals ang naapektuhan sa Regions I, II, III, V, VI, IX, Calabarzon, Cordillera, Metro Manila at Mimaropa.
Sa ngayon, nasa 1,365 evacuation centers ang ginagamit ng mga apektadong residente. Mahigit 46,900 families o 164,500 individuals ang kasalukuyang nasa mga evacuation center.
Nasa 3,300 bahay naman ang napinsala, kabilang ang 2,900 partially damaged at 405 totally damaged.
Samantala, tinatayang P6.12 billion ang infrastructure damage, habang P2.32 billion naman ang pinsala sa agriculture.
Ayon sa OCD, P1.78 billion na ang naipamahaging assistance sa mga apektadong komunidad, habang 117 areas ang isinailalim sa state of calamity.