Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

Flood control master plan, sinimulan na raw ipatupad; 2 tulay sa Tarlac, priority repair

Sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na sinimulan na ng pamahalaan ang pagpapatupad ng flood control master plan na matagal na umanong mayroon ang bansa pero hindi naisakatuparan sa nakalipas na mga dekada.

Inihayag ito ng Pangulo matapos inspeksyunin ang bumagsak na Aquino at Agana bridges sa Tarlac City.

Ayon kay Marcos, kailangang bilisan ang repair dahil malayo ang kasalukuyang alternate route para sa mga motorista. Target umanong payagan ang light traffic sa Agana Bridge sa loob ng dalawang linggo, habang mas matagal ang posibleng pagkukumpuni sa Aquino Bridge dahil mas malaki ang pinsala.

Sinabi rin ng Pangulo na umabot sa tinatayang 30 hanggang 35 knots ang bilis ng agos nang masira ang mga bahagi ng dalawang tulay.

Bukod sa flood control, iniugnay rin ni Marcos ang matinding pag-ulan at pagbaha sa epekto ng climate change.  | BChannel News