Opens in a new tab
Skip to content
International

30 days na lang ang visa-free stay ng Filipinos sa Thailand simula September 15

Mas maikli na ang visa-free stay para sa mga turistang Filipino na bibiyahe sa Thailand simula September 15, 2026.

Ayon sa Tourism Authority of Thailand o TAT, papalitan na ang dating 60-day visa exemption at magiging hanggang 30 days na lamang ang visa-free stay para sa travelers mula sa 60 countries at territories, kabilang ang Pilipinas. Inilathala ang bagong patakaran sa Thailand Royal Gazette noong August 31.

Para sa karamihan ng Filipino tourists na short vacation lang ang plano, hindi naman ito malaking pagbabago dahil maaari pa ring manatili sa Thailand nang hanggang 30 days nang walang visa.

Pero may bagong restriction para sa mga pumapasok sa Thailand gamit ang land borders. Ang mga naka-30-day visa exemption ay maaari lamang gumamit ng land-border immigration checkpoints nang hanggang dalawang beses bawat calendar year.

Kabilang pa rin ang Pilipinas sa listahan ng visa-exempt countries, kasama ang Australia, Japan, Singapore, United Kingdom, United States at iba pang bansa. | BChannel news