Opens in a new tab
Skip to content
National

₱300-million dagdag-pondo, inihahanda para sa Bukidnon Airport

Aabot sa P300 million ang planong idagdag ng national government sa pondo para makumpleto ang Bukidnon Airport sa 2027.

Bahagi ito ng proposed 2027 national budget, habang nagpapatuloy ang construction ng paliparan sa Barangay Maraymaray, Don Carlos.

Sa kabuuan, umabot na sa P3.17 billion ang government funding para sa proyekto. Sa ilalim naman ng Marcos administration, nasa P1.360 billion na ang nailaan dito.

Kabilang sa mga pondong ito ang P1 billion noong 2022, P310 million noong 2024, at P50 million noong 2025. Kapag naaprubahan ang panibagong P300 million, aabot sa P1.660 billion ang kabuuang pondong inilaan ng kasalukuyang administration.

Idinisenyo itong tumanggap ng jet aircraft at magkaroon ng direct air connection sa major economic at tourism centers.

May 2,100-meter long at 45-meter wide runway ang airport, kasama ang dalawang stub taxiways at 43,050-square-meter apron na kayang tumanggap ng six aircraft.

Ang passenger terminal ay may sukat na 3,600 square meters at kayang mag-accommodate ng hanggang 425 passengers.

Itatayo rin ang 2,500-meter runway strip, airport ancillary structures at air navigation facilities.

Sapat ang runway para sa mas malalaking commercial aircraft gaya ng Airbus A320, na ginagamit sa domestic flights.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, hindi lang passengers ang maaaring makinabang sa proyekto. Maaari rin itong magbigay ng mas mabilis na paraan para maihatid sa mas malalaking market ang agricultural products ng Bukidnon, kabilang ang pineapples, bananas, corn, coffee, sugar at livestock.

Umaasa rin ang pamahalaan na ang mas maraming flights at airlines ay makapagbibigay ng mas maraming options sa passengers at posibleng makatulong sa pagpapababa ng airfares.

Sinabi ni Recto na target ng Marcos administration na matapos ang airport sa 2027. Kasama niya sa isinagawang inspection si Senator Juan Miguel F. Zubiri.

| BChannel news