Opens in a new tab
Skip to content
Health

Kaso ng leptospirosis sa Manila, idineklarang epidemic condition

Sumipa sa 3.48 percent ang attack rate ng leptospirosis sa Manila, mula sa 1.27 percent noong nakaraang linggo, dahilan para ideklara ng city government ang epidemic condition sa lungsod.

Ayon kay Manila OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla, lumampas na sa epidemiological threshold ang bilang ng mga bagong kaso.

Kasabay ng pagdami ng pasyente, umabot na rin sa full capacity ang ilang city hospitals, kabilang ang Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital, at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Iniutos naman ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang mas pinaigting na prevention efforts.

Kabilang dito ang libreng doxycycline na ipinamamahagi sa 44 health centers at pitong district hospitals.

Inihayag ang epidemic condition sa ulat sa alkalde ngayong September 7, 2026. | Photo: PNA