Umabot sa 93 percent ang Highly Functional Rating ng Batangas sa Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children o PCAT-VAWC.
Ang rating ay iniulat kasabay ng 2nd Quarter Joint Meeting ng PCAT-VAWC at Provincial Council on Gender and Development o PCGAD, na isinagawa nitong September 29, 2026 sa Samahang Batangueña Building, Capitol Compound, Batangas City.
Sa naturang pagpupulong, inaprubahan ang GAD Agenda para sa 2026 hanggang 2028. Nakapaloob dito ang mga programa at serbisyo para sa Gender and Development, pati ang mga hakbang laban sa trafficking at karahasan sa kababaihan at mga bata.
Dumalo sa meeting ang mga opisyal ng Kapitolyo at representatives mula sa mga katuwang na ahensya. Pinangunahan ito nina Provincial Administrator Atty. Joel Montealto, PSWDO Department Head Ethel Luistro at Agoncillo Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Samantala, bahagi rin ng mga usaping may kinalaman sa child protection ang 3rd Quarter Full Council Meeting ng Provincial Council for the Protection of Children o PCPC ngayong September 30, 2026.
Tinalakay doon ng Batangas Police Provincial Office, DepEd, DILG, Provincial Legal Office at PSWDO ang mga hakbang kaugnay ng armed violence at bullying sa mga paaralan.
Sa magkakahiwalay na pagpupulong, sentro ng mga programa ang pagprotekta sa kababaihan at mga bata at ang maagap na pagtugon sa mga sitwasyong maaaring maglagay sa kanila sa peligro.