Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Rider patay, angkas kritikal matapos bumangga sa dalawang poste ng kuryente sa San Jose, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Isang 26-anyos na motorcycle driver ang nasawi matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa dalawang concrete electric post sa Barangay Taysan, San Jose, Batangas, madaling-araw ng September 27.

Ayon sa San Jose Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang 1:20 AM matapos makatanggap ng report ang Tactical Operation Communication tungkol sa road accident. Agad na rumesponde ang San Jose MPS kasama ang MDRRMO at BFP.

Sa initial investigation, binabagtas ng motorcycle ang isang kurbadang bahagi ng kalsada nang aksidenteng sumayad sa isang concrete electric post. Dahil dito, nawalan ito ng kontrol, kumabig at tuluyang bumangga sa isa pang electric post.

Parehong nagtamo ng multiple injuries ang driver at ang 18-anyos na back rider. Isinugod ila sa San Jose District Hospital, pero idineklarang Dead on Arrival ang driver na si Rico, 26, habang nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang back rider na si Ronnie, 18.

Batay pa sa imbestigasyon ng pulisya, parehong umano nasa impluwensya ng alak ang driver at back rider nang mangyari ang aksidente. | BChannel news