Hindi lang classroom learning ang kailangan para makapasok sa mga trabahong nangangailangan ng technical skills. Sa Batangas, isang training center ang nagbibigay ng actual, hands-on experience para ihanda ang mga manggagawa sa power industry.
Ito ang JERA-AboitizPower Global Technical Center of Excellence o GTCOE, na matatagpuan sa LIMA Tower One, LIMA Estate sa Malvar at Lipa City, Batangas.
Ngayong September 7, ipinagdiwang ng center ang first anniversary nito, kasabay ng pagtalakay sa mas malawak na paghahanda ng mga Pilipino para sa mga trabahong kailangan ng industriya.
Ayon kay President Ferdinand R. Marcos Jr., mula July 2022 hanggang May 2026, nakapagrehistro na ang pamahalaan ng 703 micro-credential competency programs.
Ito ay mahigit 234 percent ng target na itinakda hanggang 2028.
Sa Enterprise-Based Education and Training Program naman, mahigit 3,800 ang nakinabang, kung saan nakakakuha ang participants ng actual experience sa mga industriya.
Samantala, halos 5 million Technical and Vocational Education and Training o TVET graduates na ang sumailalim sa assessment.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang ganitong mga programa dahil hindi lamang diploma ang kailangan ng isang job seeker.
Sa GTCOE, halimbawa, ang training ay nakatuon sa power generation at maintenance kung saan mga technical skills na kailangan sa pagpapatakbo at pag-maintain ng power facilities.
Sa ganitong setup, nagkakaroon ng pagkakataon ang trainees na matuto hindi lamang mula sa theoretical lessons kundi pati sa aktuwal na proseso at equipment na ginagamit sa industriya.
Hinikayat naman ni Marcos ang mga educational institution at private industries na magbukas pa ng training opportunities para sa mga Pilipinong gustong magkaroon ng bagong skills at makahanap ng trabahong angkop sa kanilang kakayahan.
Sa halip na hintayin lamang na matuto ang isang bagong empleyado kapag nasa trabaho na, layunin ng industry-based training na maihanda na siya bago pa man pumasok sa workforce.
Kasama sa pagdalo sa event sina Executive Secretary Ralph Recto, Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Department of Energy Secretary Sharon Garin, at Congressman Ryan Recto.
Ang GTCOE ay bahagi ng partnership ng AboitizPower at JERA, at nagsisilbing training facility para sa pagbuo ng mas skilled workforce sa energy sector.
Itinatag ng AboitizPower at Japan-based Energy for a New Era o JERA, ang GTCOE ay nagsisilbing center for technical education at hands-on training para sa power generation at maintenance. | BChannel News