Ayon sa Cainta Municipal Police Station, parehong biyaheng Junction, Cainta mula Kaytikling, Taytay ang dalawang sasakyan. Nasa inner o first lane ang motorsiklo at nasa unahan ng jeepney na nasa middle o second lane.
Pagdating sa lugar, huminto ang motorsiklo para magbigay-daan sa isang tumatawid na pedestrian. Dito naman umano nag-swerve ang jeepney mula second lane papunta sa inner lane at bumangga sa likurang bahagi ng motorsiklo.
Dahil sa impact, nahulog ang driver at passenger ng motorsiklo. Ang pasahero ay na-kaladlad pa ng jeepney nang humigit-kumulang 20 meters.
Isinugod ng Cainta MDRRMO ang biktima sa Cainta Hospital, pero idineklarang dead on arrival bandang 7:48 ng gabi.
Bandang 8:00 PM, nakatanggap ng tawag ang duty TOC na si PCMS Gener Cruz tungkol sa insidente, habang bandang 9:20 PM naman ito nai-report sa pulisya.
Naaresto ang driver ng jeepney at ipinaalam sa kanya ang kanyang constitutional rights. Nasa kustodiya na siya ng Cainta Municipal Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa inquest proceedings sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.