Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Magkapatid, bistado sa sunod-sunod na bomb-theat sa mga paaralan sa Lipa City, Batangas

Nabisto na ng PNP Police Regional Office 4A-CALABARZON ang dalawang magkapatid na iniuugnay sa sunod-sunod na pagbabanta na nagdulot ng takot sa ilang paaralan sa Lipa City, Batangas.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, lumitaw na sa social media umano ipinapakalat ang mga nagbabantang mensahe. Ayon naman sa magkapatid, ginawa nila ito bilang trip lamang.

Nasamsam din sa mga suspek ang mga cellphone na umano’y ginagamit sa pagpapakalat ng mga nagbabantang mensahe sa social media.

Pero nilinaw ng PNP na hindi maaaring gawing biro ang ganitong posts kapag nagdudulot na ito ng pangamba sa publiko.

Puwedeng mauwi sa kasong alarms and scandals, grave threats, o paglabag sa Anti-Bomb Joke Law ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon o banta.

Matatandaang ilang paaralan sa Lipa City ang nagsuspinde ng klase dahil sa pagbabanta. | BChannel News | 📸 PNP Police Regional Office 4A