Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

Haze, usok at hindi kanais-nais na amoy, naiulat matapos ang sunog sa Calamba, Laguna

Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa usok matapos sumiklab ang isang sunog sa AGCHEM Manufacturing Corporation sa Carmelray Industrial Park 1, Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna, nitong Biyernes, September 25, 2026.

Ayon sa mga unang ulat, nagsimula ang insidente bilang industrial fire at nagkaroon ng haze, usok at hindi kanais-nais na amoy na maaaring maramdaman sa ilang kalapit na lugar.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na minimize ang exposure sa usok at magsuot ng face mask, mas mainam kung N95, lalo na ang mga kailangang lumabas.

Pinapayuhan ding manatili muna sa loob ng bahay kung may usok o matapang na amoy sa paligid, at isara ang mga bintana at pinto. Iwasan din muna ang matagal na outdoor activities.

Mas pinapayuhan ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may sakit sa baga o puso na mag-ingat.

Kapag nakaranas ng hirap sa paghinga, pagkahilo, matinding pag-ubo, o pangangati ng mata at lalamunan, agad na pumunta sa lugar na may mas malinis na hangin at humingi ng medical assistance.

Sa response naman, rumesponde ang Nuvali Fire Department at iba pang fire personnel. Nakipagtulungan din ang CDRRMO Biñan Fire Auxiliary Unit, sa tagubilin ni Mayor GEL Alonte at CDRRMO Head Ronaldo Roscain, para tumulong sa pag-apula ng apoy sa karatig-lungsod.

Namonitor ang insidente alas-4:10 ng hapon, habang kabilang sa responders ang BFP Calamba, POSO Team Eagle4 Water Tanker, at POSO TMD 323 para sa traffic assistance.

At pagsapit ng alas-7:40 ng gabi, idineklarang fire out ang insidente. | BChannel news