Naglabas ng stern warning ang Senate impeachment court laban kay House prosecutor Representative Terry Ridon dahil sa mga naging public statements niya tungkol sa merits ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa ruling na inilabas noong September 28, 2026, sinabi ng korte na dapat magkaroon ng mas malaking restraint si Ridon sa mga susunod niyang pahayag.
Batay sa Rule 18, hindi dapat maglabas ng public comments ang prosecutors, counsel at iba pang sakop ng impeachment trial tungkol sa mga usaping dapat desisyunan ng korte.
Ipinaliwanag naman ni Ridon na ginawa niya ang kanyang mga pahayag in good faith bilang bahagi ng kanyang tungkulin at para maipaalam sa publiko ang developments sa proceedings.
Tinanggap ng korte ang kanyang paliwanag, pero nagbabala na ang mga kahalintulad na paglabag sa hinaharap ay maaaring humantong sa mas mabigat na penalty.