Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Labi ng nasawing pinoy sa Germany, hinihiling ng pamilya na maiuwi sa Batangas

Limang Pilipino na lamang mula sa 17 na naospital ang patuloy na nagpapagaling sa iba’t ibang ospital sa Bavaria, Germany, matapos ang bus crash noong September 27.

 

Ayon sa Philippine Consulate General sa Frankfurt, may ilan nang nabigyan ng medical clearance at inaayos na ang kanilang pag-uwi, kabilang ang biyahe pabalik sa Milan, Italy.

 

Apektado ang 33 Pilipinong sakay ng tour bus mula Milan papuntang Munich para sa Oktoberfest, nang bumaligtad ito sa A96 Highway malapit sa Buchloe. Dalawa ang nasawi, at hinihiling ng pamilya ng isa sa mga biktima na maiuwi ang kanyang labi sa Batangas.

Dahil trauma pa ang ilang survivor at ayaw nang sumakay sa tour bus, naghahanap ang konsulado ng alternative transportation.

Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang posibleng legal action laban sa tour bus operator