Opens in a new tab
Skip to content
Calamity

El niño, umabot na sa Caraga region; 353,000 apektado

Naitala na rin sa Caraga Region ang epekto ng El Niño, kabilang ang matinding init at kakulangan sa tubig, ayon sa Office of Civil Defense o OCD.

Partikular na apektado ang Dinagat Islands at Butuan City, kung saan apat na localities ang kasalukuyang walang regular na water supply. Naitala rin ang 39 grass fire incidents sa rehiyon.

Sa buong bansa, mahigit 353-thousand individuals o 96,012 families na sa Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol Region at Caraga ang apektado ng El Niño, batay sa latest bulletin ng NDRRMC.

Mahigit 202-thousand farmers and fisherfolk naman ang naapektuhan, habang lampas 226-thousand hectares ng agricultural land ang naiulat na damaged.

Patuloy ang monitoring at assessment ng authorities sa epekto ng init at water shortage sa mga komunidad.