Opens in a new tab
Skip to content
Livelihood

2.77-million jobless o walang trabaho noong August ayon sa PSA

Bumaba ang bilang ng mga jobless Filipinos noong August, pero nananatiling concern ang pagkawala ng trabaho kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.

Sa latest Labor Force Survey ng PSA, nasa 5.3 percent ang unemployment rate noong August, mas mababa sa 6 percent noong July.

Ibig sabihin, nasa 2.77 million Filipinos ang walang trabaho noong August, mula sa 3.14 million noong July.

Pero kahit bumaba ang jobless rate month-on-month, mas mababa pa rin ang total employment kumpara noong August 2025.

Nasa 49.79 million ang employed Filipinos noong August, mula sa 50.1 million noong parehong buwan noong nakaraang taon.

Malaki ang naging epekto rito ng job losses sa ilang sektor. Sa manufacturing, nasa 350,000 ang nabawas na trabaho, habang 335,000 naman ang nawalang trabaho sa fishing sector.

Samantala, may improvement naman sa underemployment. Bumaba ito sa 11.9 percent mula 12.9 percent noong July. Katumbas ito ng 5.9 million workers na may trabaho pero naghahanap pa ng dagdag na trabaho o working hours.

Tumaas din ang employment rate sa 94.7 percent mula 94 percent, habang ang labor force participation rate ay umakyat sa 64 percent mula 63.6 percent.

Sa mga sektor, services pa rin ang may pinakamalaking bahagi ng workforce sa 61.7 percent, kasunod ang agriculture sa 20.9 percent at industry sa 17.3 percent.

Para naman sa kabataang edad 15 hanggang 24, umakyat sa 84.3 percent ang employment rate mula 81.4 percent noong July, pero mas mababa pa rin ito sa 88.3 percent noong August 2025.

Kaya kahit bumaba ang bilang ng jobless Filipinos noong August, ipinapakita ng year-on-year data na may hamon pa rin sa pagpapanatili at paglikha ng mga trabaho sa bansa.