Opens in a new tab
Skip to content
International

Japan, namigay ng 2 million yen sa pinakamabilis at pinakamalalim matulog

Isang kakaibang competition ang isinagawa sa Tokyo, Japan na kung saan ang challenge ay hindi tumakbo o magbuhat ng mabigat, kundi ang pinakamabilis at pinakamalalim na makatulog.

Tinawag na “Matt Race,” ang event ay nilahukan ng dose-dosenang participants na tinaguriang competitive sleepers. Nakahiga sila sa comfortable mattresses at gumamit ng sleep-tracking devices habang sinusubukang makatulog nang hanggang 90 minutes.

Mahigit 2 million yen, o nasa 14 thousand US dollars, ang nakalaan na top prize.

Ayon kay Riichiro Nakama, creative director ng organizer na Koala Sleep Japan, kilala ang Japan bilang bansang maraming taong kulang sa tulog dahil sa pagiging masipag at busy sa trabaho.

Sa isang madilim na room, minonitor ang participants habang natutulog, kabilang ang kanilang sleep activity. May ilan ding may dalang stuffed toys habang nakahiga.

Base sa OECD data noong 2021, ang average sleep ng Japanese ay 7 hours and 24 minutes kada araw ang pinakamaikli kumpara sa ibang OECD countries.

Kabilang sa mga sinasabing dahilan ang mahahabang oras sa trabaho at biyahe, pati ang busy nightlife economy.

Ang winner ay pinili base sa kung gaano siya kabilis at katatag makatulog.

Nanalo ang participant na si Suimii, na nickname lang ang ibinigay. Sinabi niyang gagamitin niya ang prize money sa moving costs at gusto rin niyang bumili ng bed na parang para sa isang prinsesa.

Para sa organizers, layunin ng “Matt Race” na gawing mas interesting ang pagtulog at mahikayat ang mga tao na bigyang-halaga ang sapat na pahinga.