Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Taal volcano, nakapagtala ng 22 volcanic earthquakes; nasa alert level 1 pa rin

Patuloy na nagpapakita ng volcanic activity ang Taal Volcano sa Batangas matapos makapagtala ng 22 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, mas mataas sa 17 na naitala noong nakaraang araw, ayon sa PHIVOLCS nitong October 17, 2026.

Mula October 9 hanggang 17, umabot sa 139 volcanic earthquakes at 11 tremor episodes ang naitala. Samantala, umabot sa 407 metric tons per day ang sulfur dioxide emission noong October 16, mula sa dating 223 metric tons per day.

Nasa 600 meters naman ang taas ng mahinang steaming plume na tinangay ng hangin pa-timog-kanluran. Nauna ring nakapagtala ng limang minutong phreatomagmatic eruption ang bulkan noong October 8.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Taal, pero nagbabala ang PHIVOLCS na posible pa rin ang phreatic explosions, minor ashfall, volcanic earthquakes at mapanganib na pagbuga ng volcanic gas.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, kabilang ang Main Crater at Daang Kastila fissures, pati ang pamamangka sa Taal Lake at pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan. | BChannel News