Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Barangay Chairman sa Sto. Tomas, Batangas, patay sa pamamaril; hustisya panawagan

Hustisya ang panawagan ng pamilya at komunidad para kay Barangay Chairman Dennis Tenorio Austria, 50-anyos, ng Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas, matapos siyang pagbabarilin sa kaniyang bahay nitong Huwebes ng umaga, October 15, 2026.

Ayon sa Sto. Tomas Police, riding-in-tandem ang mga hinihinalang suspek.

Sa pahayag ng Sangguniang Kabataan ng barangay, kinilala si Austria bilang dedikadong lider at gabay ng kabataan na nag-iwan ng mahalagang ambag sa kanilang komunidad.

Kasabay ng pagluluksa, nananawagan ang barangay ng katotohanan, pananagutan, at hustisya para kay Kap Dennis.

Idineklara dead on arrival ang biktima nang isugod sa ospital.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng krimen.