Opens in a new tab
Skip to content
Weather

Super Typhoon Rosal, pumasok na sa PAR; ilang lugar isinailalim na sa Signal No. 1

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal, na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR, kung saan magdudulot na ng banta sa ilang bahagi ng Northern at Southern Luzon.

Sa Tropical Cyclone Bulletin Number 1 na inilabas alas-11 ng umaga ngayong October 20, 2026, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, ilang bahagi ng Babuyan Islands at Cagayan, northeastern Isabela, at northeastern Catanduanes.

Nasa 1,385 kilometers east of Central Luzon ang sentro ng bagyo alas-diyes ng umaga. Taglay nito ang maximum sustained winds na 185 kilometers per hour malapit sa gitna at gustiness na hanggang 230 kilometers per hour. Kumikilos ito west northwestward sa bilis na 25 kilometers per hour.

Bukod sa hangin, binabantayan din ang posibleng malakas na ulan. Maaaring maglabas ang PAGASA ng rainfall advisory ngayong hapon. Samantala, inaasahan ang malalakas hanggang gale-force wind gusts sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong araw, bukas, October 21, at sa Thursday, October 22.

Posible ring maglabas ng Gale Warning ngayong hapon o gabi dahil sa mapanganib na kondisyon ng karagatan. Sa northern at eastern seaboards ng Catanduanes, maaaring umabot sa 4.5 meters ang taas ng alon. Posible namang umabot sa 4 meters ang alon sa baybayin ng Isabela, ilang bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Samar, at Eastern Samar.

Pinapayuhan ang mga mangingisda at may-ari ng maliliit na bangka na huwag munang pumalaot sa mga lugar na may mapanganib na alon. Ang mga sasakyang-dagat na nasa laot ay pinapayuhang humanap agad ng ligtas na kanlungan kung kinakailangan.

Ayon sa forecast, mananatiling Super Typhoon si Rosal habang kumikilos sa Philippine Sea, at posible pang lumakas. Inaasahang liliko ito pahilagang-kanluran hanggang hilagang-hilaga-kanluran sa mga susunod na araw, bago lumabas ng PAR pagsapit ng Friday evening o early Saturday, October 24.

Posible itong humina bilang typhoon sa Thursday, at maging severe tropical storm pagsapit ng Saturday evening o Sunday morning, October 25. | BChannel news