Opens in a new tab
Skip to content
National

Personal data ng mga users ng SEC, na-expose sa data breach

Kinumpirma ng Securities and Exchange Commission o SEC na nakompromiso ang personal information ng ilang users ng online platforms nito, kabilang ang kanilang pangalan, email address, mobile number, birthday, gender, home address, username at Tax Identification Number o TIN.

Sa notices na ipinadala nitong November 9, sinabi ng SEC na hindi naman kasama sa na-leak ang mga password ng users. Wala ring naapektuhang corporate filings at walang nabago o naburang system data.

Posibleng nagmula ang insidente sa malware o unauthorized access sa mga personal devices na ginagamit sa pag-login sa SEC platforms. Gayunman, patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan, lawak at validity ng nakuhang impormasyon. Hindi pa rin inilalabas ng ahensya kung ilang users ang posibleng naapektuhan.

Nauna nang naglabas ng preliminary advisory ang SEC noong November 7, kasunod ng mga ulat tungkol sa posibleng data leak noong November 6. Iniulat na rin nito ang insidente sa National Privacy Commission.

Bilang precaution, pinapayuhan ang mga users na palitan ang passwords, lalo na kung ginagamit din ito sa ibang accounts, mag-enable ng multi-factor authentication, at i-scan ang kanilang devices para sa malware.

Nagbabala rin ang SEC na huwag ibigay kaninuman ang passwords o security PIN dahil hindi ito hinihingi ng ahensya sa pamamagitan ng tawag o mensahe.