Opens in a new tab
Skip to content
Education

DepEd teachers, binalaan laban sa pagbebenta ng government-issued laptops

Posibleng pagbayarin ang mga public school teacher na magbebenta ng laptop na natanggap nila mula sa Department of Education o DepEd. Ito ang babala ni Education Secretary Sonny Angara dahil government property ang mga naturang device.

Ayon kay Angara, may nakatalagang IT officer sa bawat paaralan na responsable sa pag-monitor at pag-iingat ng mga kagamitan.

Samantala, mahigit 231-thousand laptops ang target na maipamahagi sa mga public school teacher sa buong bansa. Kabilang dito ang 169,008 Apple MacBook Neo at 62,717 Windows-based laptops, habang 3,646 MacBook Neo units naman ang nakalaan para sa administrative personnel.

Sa ilalim ng procurement, 172,654 MacBook Neo units ang nabili sa halagang ₱43,000 bawat isa, kumpara sa ₱49,900 na suggested retail price. Mayroon din itong five-year warranty, productivity tools at training.

Layunin ng programa na mapabilis ang paggawa ng lesson plans, school reports at iba pang gawain ng mga guro.