Opens in a new tab
Skip to content
Education

DepEd, itinaas sa P17,500 ang annual tuition subsidy para sa private schools

Aabot sa P17,500 kada taon ang tuition subsidy para sa mga incoming Grade 7 students sa National Capital Region o NCR, mula sa dating P13,000, simula School Year 2027–2028.

Ito ay bahagi ng unang pagtaas sa Educational Service Contracting o ESC grant ng Department of Education matapos ang siyam na taon.

Sa mga highly urbanized cities sa labas ng Metro Manila, magiging P14,500 ang subsidy mula P11,000, habang sa iba pang rehiyon ay tataas sa P12,000 mula P9,000.

Ayon sa DepEd, katumbas ito ng dagdag na P4,500 sa NCR, P3,500 sa HUCs at P3,000 sa iba pang rehiyon. Tinatayang 34 hanggang 50 percent ng mandatory tuition at miscellaneous fees ang masasagot nito.

Layunin ng programa na makatulong sa gastusin ng mga pamilya at mabawasan ang dami ng estudyante sa public schools.

Saklaw ng ESC ang apat na taon ng pag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10 sa mga kwalipikadong estudyanteng papasok sa participating private schools.