Halos walong ektaryang lupa sa Barangay Bagong Pook, Malvar, Batangas ang inaprubahan ni President Ferdinand Marcos Jr. para idagdag sa LIMA Technology Center–Special Economic Zone.
Saklaw ito ng 79,937 square meters sa ilalim ng Proclamation No. 1499, na inaasahang magbibigay ng mas maraming espasyo para sa bagong factories at expansion ng mga negosyo.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layunin nitong makahikayat ng karagdagang investments at makapagbukas ng trabaho para sa mga Batangueño, gayundin ng dagdag na oportunidad para sa local suppliers, transport operators at maliliit na negosyo.
Sa datos ng Aboitiz Economic Estates, mahigit 200 companies ang kasalukuyang nasa LIMA, kabilang ang Epson Precision Philippines, Yamaha Motor Philippines at Kinpo.
Mayroon na itong 128.9 billion pesos na cumulative investments at sumusuporta sa tinatayang 75-thousand jobs sa Batangas.
Bahagi ang expansion na ito ng programa ng pamahalaan na palawakin ang industrial zones sa mga probinsya upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng trabaho malapit sa kanilang tahanan.